ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN? Ang pagmamahal sa KOTOTOHANAN ay napakahalaga sa buhay ng isang tao. Pero ano nga ba ang katotohanan? Ayon sa isang reperensya: KATOTOHANAN Ang terminong Hebreo na ʼemethʹ, kadalasang isinasalin bilang "katotohanan," ay maaaring tumukoy sa bagay na matatag, mapagkakatiwalaan, matibay, tapat, totoo, o naitatag bilang katotohanan. Ang salitang Griego na a·leʹthei·a ay kabaligtaran naman ng kabulaanan o kalikuan at nagpapahiwatig ng bagay na kaayon ng katotohanan o ng tama at wasto. Maraming iba pang pananalita sa orihinal na wika ang maaari ring isalin bilang "katotohanan" depende sa konteksto. Pero paano natin ito maisasabuhay? Dapat na patuloy na pag-aralan ang mahahalagang katotohanan sa Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito. Oo, bilhin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatakda ng regular na iskedyul para pag-aralan ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Palalalimin nito ang pagpapahalaga mo sa katotohan
Ano ang dahilan ng pagkakaudlot ng rebolusyon sa kabanata 26 ng el filibusterismo El Filibusterismo Kabanata 26: Mga Paskil Sa kabanatang ito mababatid na ang himagsikan ng mga mag aaral ay naudlot sapagkat sila ay dinakip ng mga sibil. Sa araw na ito si Basilio ay pupunta lamang sana sa ospital upang dalawin si kapitan Tiyago at pagkagaling dito ay tutungo naman siya kay Macaraig upang humiram ng pera na kanyang gagamitin sa pagkuha ng kanyang lisensya. Sa paaralan ay nakita niya ang samahan ng mga mag - aaral na nagpaplano ng himagsikan laban sa mga prayle. Habang papasok sa loob ng paaralan ay nakasalubong niya ang isa sa kanyang mga propesor at binigyan siya nito ng babala na umiwas sa mga kamag - aral na dawit sa kapisanan sapagkat sa araw na ito sila ay dadakipin. Bago pa makaiwas si Basilio ay nakita na niya ang ginawang pagdakip at pag kuwestiyon sa kanyang mga kaibigan. Kabilang sa mga ito ang kanyang pakay na si Macaraig. Sa tahanan ni Macaraig a
Ano ang ginampanan ng mga prayle at kura sa noli Noli Me Tangere Kura Papel na Ginagampanan: Ang pangunahing tungkulin ng kura ay ang maging pinuno ng simbahan. Bilang pinuno ng simbahan, siya ang naatasan na magbigay ng ispiritwal na kagalingan sa mga tao sa pamamagitan ng pangungumpisal mula sa mga kasalanang nagawa ng mga ito. Sila rin ang patuloy na nagbibigay ng mga mensahe ng Diyos at aral na dapat na matutunan ng mga tao mula sa kanilang mga sermon. Ang kura din ang nagsasagawa ng indulhensya na pinaniniwalaan na kaligtasan ng mga taong namayapa na. Ang kanilang mga dasal ay pinaniniwalang makapangyarihan. Ang mga kura ay kapantay ng alperes sa kapangyarihan. Anuman ang sabihin ng kura ay ipinalalagay na tama at makabuluhan. Ganun pa man, kinakailangan na sila ay magpakita ng mabuting halimbawa sa lahat ng tao sa paligid nila. Sila higit kanino man ang dapat magsilbing huwaran hindi lamang ng pagiging makadiyos kundi ng kabutihang asal.
Comments
Post a Comment