Ano Ang Aral Sa Pagpapalaya Ng Albanya Sa Florante At Laura

Ano ang aral sa pagpapalaya ng albanya sa florante at laura

Napapalaya lamang ang kaharian ng Albanya dahil ito sa husay ng pakikipagdigmaan ni Florante. May aral ba tayong makukuha nito?

Ang sagot ay Oo. Dahil maging tayo man din ay kailangang magwagi sa lahat ng aspeto sa buhay upang mamumuhay ng naaayon sa ating sariling kapakanan at maging sa kapakanan din ng ibang tao. Nagwagi si Florante hindi dahil sa kanyang sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng buong kaharian ng Albanya.

Maihalintulad natin ito sa panahon natin ngayon na hindi tayo maging malaya sa mga problema sa bahay, kalusugan, at pangangailangan sa araw-araw kung hindi natin ito haharapin ng buong tapang kasama na ang lakas ng loob. Maging mapanatag lang tayo kung alam nating meron tayong sapat na magagamit sa ating mga pangangailangan sa araw-araw. Kaya ang kalayaan ay base ito kung papaano tayo kumilos ng wasto at sapat.

Para sa karagdagang impormasyon ng kalayaan:

brainly.ph/question/800871

brainly.ph/question/968288

brainly.ph/question/919881


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagmamahal Sa Katotohanan?

Ano Ang Dahilan Ng Pagkakaudlot Ng Rebolusyon Sa Kabanata 26 Ng El Filibusterismo

Ano Ang Ginampanan Ng Mga Prayle At Kura Sa Noli