Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagmamahal Sa Katotohanan?
ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN?
Ang pagmamahal sa KOTOTOHANAN ay napakahalaga sa buhay ng isang tao. Pero ano nga ba ang katotohanan? Ayon sa isang reperensya:
KATOTOHANAN
Ang terminong Hebreo na ʼemethʹ, kadalasang isinasalin bilang "katotohanan," ay maaaring tumukoy sa bagay na matatag, mapagkakatiwalaan, matibay, tapat, totoo, o naitatag bilang katotohanan. Ang salitang Griego na a·leʹthei·a ay kabaligtaran naman ng kabulaanan o kalikuan at nagpapahiwatig ng bagay na kaayon ng katotohanan o ng tama at wasto. Maraming iba pang pananalita sa orihinal na wika ang maaari ring isalin bilang "katotohanan" depende sa konteksto.
Pero paano natin ito maisasabuhay?
Dapat na patuloy na pag-aralan ang mahahalagang katotohanan sa Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito. Oo, bilhin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatakda ng regular na iskedyul para pag-aralan ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Palalalimin nito ang pagpapahalaga mo sa katotohanan at patitibayin ang iyong determinasyong huwag itong ipagbili. Bukod sa pagbili ng katotohanan, sinasabi sa Kawikaan 23:23 na dapat din nating bilhin ang "karunungan at disiplina at pagkaunawa." Hindi sapat ang kaalaman lang. Kailangan nating isabuhay ang katotohanan. Dahil sa pagkaunawa, nakikita natin ang pagkakasuwato ng lahat ng pananalita ni Jehova. Ang karunungan naman ang mag-uudyok sa atin na kumilos ayon sa ating nalalaman. Kung minsan, dinidisiplina tayo ng katotohanan para makita kung ano ang kailangan nating baguhin. Lagi sana tayong tumugon sa gayong patnubay. Di-hamak na mas mahalaga ito kaysa sa pilak.—Kaw. 8:10.
Ayon sa isang reperensya: Nang tanungin si Pablo, isa pang kabataang naglilingkod kay Jehova nang buong panahon, kung ano ang itinuturing niyang pinakasusi sa paglinang ng pag-ibig sa katotohanan ng Salita ng Diyos, sinabi niya: "Sa palagay ko ay may dalawang bagay: regular na personal na pag-aaral at sigasig sa gawaing pangangaral. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang sa pagtuturo nila sa akin ng katotohanan hinggil kay Jehova, at nadarama ko na ito ang pinakamabuting bagay na maibibigay nila sa akin. Gayunman, dapat na personal akong kumbinsido kung bakit iniibig ko si Jehova. Upang magawa iyan, kailangan kong malaman ang 'lapad at lalim' ng katotohanan ng Bibliya. Sa ganitong paraan lamang tayo makadarama ng pananabik sa Salita ni Jehova, na siyang lumilikha sa loob natin ng isang 'nagniningas na apoy' upang ipakipag-usap ito sa iba. Pananatilihing buháy ng kasigasigang iyan sa gawaing pangangaral ang ating pagpapahalaga sa katotohanan."—Efeso 3:18
Kaya napakahalaga talaga na mahalin natin ang katotohanan dahil may mabuti itong epekto sa ating buhay.
Comments
Post a Comment