ANO ANG IBIG SABIHIN NG PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN? Ang pagmamahal sa KOTOTOHANAN ay napakahalaga sa buhay ng isang tao. Pero ano nga ba ang katotohanan? Ayon sa isang reperensya: KATOTOHANAN Ang terminong Hebreo na ʼemethʹ, kadalasang isinasalin bilang "katotohanan," ay maaaring tumukoy sa bagay na matatag, mapagkakatiwalaan, matibay, tapat, totoo, o naitatag bilang katotohanan. Ang salitang Griego na a·leʹthei·a ay kabaligtaran naman ng kabulaanan o kalikuan at nagpapahiwatig ng bagay na kaayon ng katotohanan o ng tama at wasto. Maraming iba pang pananalita sa orihinal na wika ang maaari ring isalin bilang "katotohanan" depende sa konteksto. Pero paano natin ito maisasabuhay? Dapat na patuloy na pag-aralan ang mahahalagang katotohanan sa Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito. Oo, bilhin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtatakda ng regular na iskedyul para pag-aralan ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Palalalimin nito ang pagpapahalaga mo sa katotohan...
Comments
Post a Comment