Bakit Pag-Ibig Sa Bayan At Sa Sarili Ang Naging Pamagat Ng Kabanata 59 Sa Noli Me Tangere?
Bakit Pag-Ibig sa Bayan at sa Sarili ang naging pamagat ng Kabanata 59 sa Noli Me Tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 59: Pag ibig sa Bayan
Ang kabanatang ito ay pinamagatang Pag ibig sa Bayan at sa Sarili sapagkat ito ay pagpapakita ng ibat ibang paraan nga pagpapamalas ng pag ibig sa bayan at sa sarili. Magkakaiba man ang paraan ng mga tao, hindi naman nila nakakalimutan na ang kanilang hangarin ay ang maipagtanggol ang pamahalaan laban sa mga taong mapang abuso sapagkat naniniwala sila na ang pamahalaan ang tuwirang representasyon ng bayan. Tulad ng inaasahan, ang simbahan ay may ibang pakiramdam ukol dito. Naniniwala sila na sa tuwing kakatig ang mga tao sa pamahalaan, sila naman ay nagiging pilibustero.
Kung minsan, maging ang pagtulong sa kapwa at nabibigyan ng kulay at hindi magandang interpretasyon. Tulad na lamang ng kabutihang loob ni kapitan Tinong kay Ibarra na sinasabi ng iba na paraan ng pakikiisa ni Tinong sa himagsikan na matagal ng pinagplanuhan ni Ibarra. Sa puntong ito, nagkaroon ng pagtatalo ang mag asawa. Habang si kapitan Tinong ay walang anumang pakahulugan sa kanyang ginawang pagtulong kay Ibarra, ang kanyang kabiyak ay ipinapalagay na ito ay magiging mitsa ng kanyang kapahamakan lalo na kapag ito ay nakaabot sa kaalaman ng kapitan heneral. Sa huli, masasalamin na ang pagkakaroon ng kaugnayan sa mga taong itinuturing na kalaban ng pamahalaan ay nanganganib sapagkat ito ay maaaring maging mitsa ng kanilang buhay.
Read more on
Comments
Post a Comment