Bakit Binansagang "Agila" Ng Himagsikan Si Heneral Gregorio Del Pilar

Bakit binansagang "Agila" ng himagsikan si Heneral Gregorio del Pilar

Noon pa man, ang agila ay ginagamit na para lumarawan o sumimbolo sa iba't-ibang katangian ng isang indibiduwal. Ang agila ang tanging ibon na may kakayahang lumipad ng mas mataas kaysa sa iba pang ibon, at napakabilis kumilos anupat humahagibis ito sa paglipad, wika nga. Napakalakas din ng agila, kaya ito ay epektibong maninila gamit ang kaniyang mga matatalim na kuko sa paa at ang malalakas nitong pangtuka. Napakauhasay din nitong lumipad at may kakayahang manatili sa ere ng matagal kahit hindi nito ikinakampay ang mga pakpak nito ng madalas.

Posibleng dahil sa mga katangian ng ibon na ito at ng mga taglay na katangian ni Heneral Gregorio del Pilar kung kaya't binansagan siyang 'Agila.' Si Gregorio del Pilar ay nakilala bilang isang mabisa o epektibong heneral, at ang isa sa pinaka-batang naging heneral sa panahon ng himagsikan. Sa kaniyang kabataan, taglay niya ang kalakasan at talino niya na ginamit niya sa kaniyang pangunguna bilang isang batang heneral. Matayog ang mga ambisyon at prinsipyo ni Del Pilar, kung paanong ang lipad ng isang agila ay napakataas din. Tulad ng agila na may matalas na mga mata, ginamit ni Del Pilar ang talas ng knaiyang isipan bilang isang kabataan sa panahon ng himagsikan at pakikipagdigma.

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

brainly.ph/question/888772

brainly.ph/question/802005

brainly.ph/question/432696


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagmamahal Sa Katotohanan?

Ano Ang Dahilan Ng Pagkakaudlot Ng Rebolusyon Sa Kabanata 26 Ng El Filibusterismo

Ano Ang Ginampanan Ng Mga Prayle At Kura Sa Noli