Ano Ang Dahilan Ng Pagkakaudlot Ng Rebolusyon Sa Kabanata 26 Ng El Filibusterismo
Ano ang dahilan ng pagkakaudlot ng rebolusyon sa kabanata 26 ng el filibusterismo
El Filibusterismo
Kabanata 26: Mga Paskil
Sa kabanatang ito mababatid na ang himagsikan ng mga mag aaral ay naudlot sapagkat sila ay dinakip ng mga sibil. Sa araw na ito si Basilio ay pupunta lamang sana sa ospital upang dalawin si kapitan Tiyago at pagkagaling dito ay tutungo naman siya kay Macaraig upang humiram ng pera na kanyang gagamitin sa pagkuha ng kanyang lisensya. Sa paaralan ay nakita niya ang samahan ng mga mag - aaral na nagpaplano ng himagsikan laban sa mga prayle. Habang papasok sa loob ng paaralan ay nakasalubong niya ang isa sa kanyang mga propesor at binigyan siya nito ng babala na umiwas sa mga kamag - aral na dawit sa kapisanan sapagkat sa araw na ito sila ay dadakipin.
Bago pa makaiwas si Basilio ay nakita na niya ang ginawang pagdakip at pag kuwestiyon sa kanyang mga kaibigan. Kabilang sa mga ito ang kanyang pakay na si Macaraig. Sa tahanan ni Macaraig ay nakausap niya ang mga tanod na naatasan na dumakip sa kanila. Iba iba ang naging pagtanggap ng magkakaibigan sa kanilang pagkakadakip. Si Basilio lamang ang bukod tanging naging mahinahon sapagkat batid niya na wala siyang ginawang masama. Ngunit dahil sila ay magkakamag - aral at magkakaibigan, nadamay siya sa ginawang pagdakip. Sa daan patungo sa pulisya ay sinabi ni Basilio ang dahilan kung bakit siya nagtungo sa bahay ni Macaraig. Nangako naman ang huli na siya ay tutulungan upang maging isang ganap na doktor.
Read more on
Comments
Post a Comment